Landslide: 20 patay, 10 pa nawawala
MANILA, Philippines - Umaabot sa 20-katao ang nalibing nang buhay, isa ang naputulan ng paa habang 10 iba pa ang nawawala sa magkakahiwalay na landslide sa mga bayan ng San Marcelino at Subic, Zambales kahapon ng umaga.
Sa ulat ni 24th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Gilmar Galicia, apat-katao mula sa pamilya Flores ang namatay sa landslide sa Sitio Pawen, Barangay Aglao, San Marcelino matapos maÂtabunan ng lupa ang tatlong bahay.
Samantala, ang sampu namang bangkay ang narekober sa landslide bandang alas-8 ng umaga sa Brgy. Cawag katabi ng Barangay Wawandue at San Isidro sa bayan ng Subic matapos matabunan ng putik at bato ang pitong bahay.
Anim pa ang nawawala habang isa naman ang malubhang nasugatang nailigtas na si Jojo Bacud na sinasaÂbing naputulan ng paa.
Bandang alas-9 ng umaÂga nang rumesponde ang tropa ng Charlie Company at 71st Division Reconnaissance sa Barangay Cawag sa bayan ng Subic habang lima pang bangkay ang narekober sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Subic.
Dahil sa insidente ay nagdeklara naman si Subic Mayor Jefferson Khonghun ng state of calamity sa kanilang bayan dahil apektado ng landslide at tubig-baha ang karamihang barangay kabilang na ang bayan ng Castillejos.
“Medyo isolated na kami dito sa Subic, Zambales kasi po sobrang taas na po ang tubig-baha. Bale lagpas-tao na ang baha sa kalsada,†ayon kay Khonghun.
Inihayag naman ni Office of Civil Defense (OCD) Region 3 Spokesperson Nigel Lontoc, narekobrer naman kahapon ang bangkay ni Hermilinda Escobar Maraeg, 67, matapos malunod sa ilog ng Olongapo City.
Samantala, apektado ng pagbaha ang mga Brgy. Sta Rita, Niyokabalan, East Bahakbahak, Estapina, Old Kabalan, New Kalalake at ang Brgy. Barito sa Olongapo City na isinailalim na rin sa state of calamity.
Ayon naman kay Major Emmanuel Garcia ng Civil Military Group 1, umaabot na sa 77 pamilya (437-katao) ang naapektuhan ng landslide na inilikas sa Olongapo City habang nasa 116 namang pamilya (261-katao) sa Sta. Rita.
- Latest