^

Probinsiya

Mister inutas ng 5 ‘sundalo’

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Patay ang isang mister nang pasukin at pagbabarilin ng may limang lalaki na pawang naka-uniporme umano ng Philippine Army (PA) habang natutulog sa loob ng kanyang bahay sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Talbak, Doña Remedios Trinidad, Bulacan kaninang umaga.

Nakilala ang biktimang si Robert Ralla 26, residente ng Sitio Panale sa Brgy. Talbak.

Base sa salaysay ng kapatid ng biktima na si Rollie Ralla, 25, kay PO1 Euclid Ordoña, dakong alas 5:00 ng umaga ay kasalukuyan silang natutulog ng kanyang kapatid sa loob ng bahay nang biglang may umali­ngawngaw na dalawang putok sa labas ng bahay.

Agad na lumabas si Rollie upang tingnan ang pinangga­lingan ng putok ngunit paglabas pa lamang ng pintuan ay pinasinagan agad siya ng flashlight ng grupo saka tinutukan.

Bago umalis ang mga salarin ay nakarinig pa ang nakababatang Ralla ng putok sa loob ng kanilang bahay.

Nang mag-responde ang mga pulis,  dito na nila nakita ang biktima na nakalagay na sa isang ginawang stretcher na bitbit ni T/Sgt. Rogelio Sibayan Jr. kasama ang pito nitong kapwa sundalo ng Talbak Detachment ng PA sa halip umano na siyasatin muna at proseso ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

BRGY

EUCLID ORDO

PHILIPPINE ARMY

REMEDIOS TRINIDAD

ROBERT RALLA

ROGELIO SIBAYAN JR.

ROLLIE RALLA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with