2 pulis nagsuntukan sa prosesyon
CAMARINES NORTE, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing makasuhan at masibak sa puwesto ang dalawang pulis na sinasabing kapwa lango sa alak makaraang nagsuntukan habang hinihintay ang pagdaÂting ng imahe ni Mahal na Ina sa gaganaping prosesyon sa Naga City, Camarines Sur noong Biyernes.
Kinilala ang dalawa na sina PO2 Marcelino Resgonio at PO1 Expedito Francisco na kapwa nakatalaga sa Provincial Public Safety Company (PPSC).
Nabatid na kapwa nakasibilyan ang dalawang pulis kung saan nagkasuntukan sa harap mismo ng mga deboto na naghihintay ng prosesyon ni Nuestra Señora De Peñafrancia.
Agad namang naawat ng mga kasamahang pulis ang dalawa.
Dismayado naman ang mga deboto sa kanilang nasaksihan sa halip na mangalaga sa katahimikan at kaayusan ng prosesyon ay ang dalawang pulis pa ang nag-umpisa ng kaguluhan.
Inaasahan na mas dadagsain pa ng mga deboto nina Mahal na Ina at El Divino Rostro ang fluvial parade sa Naga River patungo sa Basilica Church sa Sabado.
- Latest