^

Probinsiya

Uniform ng MNLF, nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga operatiba ng pulisya ang mga military uniform na ipinatatahi ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa tailoring shop sa bahagi ng  Purok Bougainvilla, Barangay Don Andres sa bayan ng Ipil, Zamboanga, Sibugay, ayon sa opisyal kahapon.

Ayon kay P/Chief Inspector Ariel Huesca, spokesman ng Police Regional Office 9,  bandang alas-2:30 ng hapon nang salakayin ng pulisya ang Lorenz Tailoring Shoo na pagmamay-ari ng isang Romeo Aliyacyac.

Sinabi ni Huesca na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na nagpapatahi ng uniporme ang grupo ng MNLF rogue elements.

Narekober sa nasabing lugar ang mga uniporme ng militar na pinakabitan lamang ng patches ng MNLF.

Sa pahayag naman kay Aliyacyac, isang lalaki umano ang nagtungo sa kaniyang tailoring shop at ipinatahi ang mga camouflage uniform na pinakakabitan nito ng mga patches ng MNLF.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad kung sino ang grupo na nagmamay-ari ng mga nakumpiskang uniporme.

 

vuukle comment

ALIYACYAC

AYON

BARANGAY DON ANDRES

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

LORENZ TAILORING SHOO

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

POLICE REGIONAL OFFICE

PUROK BOUGAINVILLA

ROMEO ALIYACYAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with