Tanod inakalang MNLF tinodas
MANILA, Philippines - Dahil sa pagbibitbit ng armas habang nakasuot pa ng camouflage short, naÂpatay ang barangay tanod habang grabe naman ang anak nito matapos mapagkamalang miyembro ng Misuari breakaway group sa engkuwentro sa tropa ng militar sa Barangay San Roque, Zamboanga City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang napatay na tanod na si Francisco “Jun†Macrohon, 52, ng Brgy. San Roque habang naisugod naman sa WesÂtern Mindanao Medical Center ang anak nitong si Archie Macrohon, 21.
Sa police report, naganap ang insidente sa harapan ng gasolinahan na kabilang sa lugar na may namamataang gumagalang MNLF rogue elements.
Sa gitna na rin ng manakanakang pagpapaputok ng MNLF ay eksaktong naispatan ng mga sundalo ang mag-ama na nakasuot na mistulang sasabak sa giyera habang bitbit pa ng matanda ang armas nito.
Isa umanong security guard na nasa lugar ang agad na pinaputukan ang mag-ama kung saan naÂkiputok na rin ang Task Force Zamboanga ng militar at nasapul ang matandang Macrohon.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang cal 5.56 mm at cal.45 pistol.
- Latest