Hepe ng BFP sa Region V, nalunod
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Region V matapos itong malunod sa karagatan ng Legazpi Boulevard sa Barangay Puro, Legazpi City, Albay kamaÂkalawa.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-4:30 ng hapon nang marekober ang bangkay ng biktimang si P/Senior Supt. Leonardo Prades Jr., 55, ng Naga City, Camarines Sur.
Nabatid na natanawan ang palutang-lutang na bangkay ni Prades habang nagsasagawa ng physical fitness ang pangkat ng Phil. Coast Guard sa pamumuno ni Petty Officer Enrique Caneta sa Victory Village.
Agad namang iniÂreport ang insidente sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung saan rumesponde ang pangkat ng Scene of the Crime OpeÂratives (SOCO) sa pamumuno ni P/Senior Inspector Wilfredo Pabustan Jr.
Lumilitaw naman sa pagsusuri na ang biktima ay nasawi sa pagkalunod at walang nakitang foul play.
Pinaniniwalaang inatake sa puso si Prades habang nag-snorkling sa dagat.
Napag-alaman pa na madalas na nakikitang lumalangoy ang biktima at nagbibisikleta araw-araw bilang exercise nito sa Âumaga.
- Latest