Gasolinahan hinoldap ng tandem
CAVITE, Philippines - Aabot sa P.3 milyong cash ang nilimas ng apat na di-kilalang kalalakihan makaraang holdapin ang gasolinahan sa bayan ng Silang, Cavite kahapon ng umaga. Bandang alas-10 ng umaga nang hodalpin ang USA 88 Gasoline Station kung saan tinutukan ng baril ang gasoline boy na si Ron Jacob Bautista habang ang dalawang holdaper ay pumasok sa booth ng kahera na si Flora Mae Aquino. Dito na pinabuksan kay Aquino ang safety vault na naglalaman ng malaking halaga. Ayon kay P01 Isagani Estrada, tumakas ang apat na holdaper lulan ng motorsiklo.
- Latest