Kinalasan ng nobya, nagbigti
September 10, 2013 | 12:00am
DARAGA, Albay, Philippines – Pinaniniwalaang dinamdam ng 17-anyos na tinedyer ang pakikipagkalas sa kanya ng nobya kaya nagdesisyong magbigti sa kusina ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa Doña Catalina Village Poctol sa Barangay Maroroy, bayan ng Daraga, Albay. Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan ang nakabiting katawan ni Daniel Altavano. Nabatid na bago nagpatiwakal ang biktima ay ilang araw na itong nakikitang matamlay na sinasabing dinamdam ang nakikipagkalas ng nobya sa hindi nabatid na dahilan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended