PNP blanko pa rin sa pagpatay sa advertising exec
CAVITE, Philippines – Nanatiling blanko pa rin ang mga imbestigador ng Cavite PNP Provincial Office kaugnay sa karumal-dumal na pagpatay sa 25-anyos na advertising agency executive matapos matagpuan ang bangkay nito sa bayan ng Silang, Cavite noong Sabado ng umaga.
Ayon kay P/Senior Supt. Alexander Rafael, Cavite PNP director, patuloy na nangaÂngalap ng impormasyon ang mga imbestigador pero bigo pa rin ang mga ito hanggang sa kasalukuyan.
“Pinuntahan ng mga tauhan ko ang opisina ng biktima pero sarado kahapon (Linggo), hindi pa rin namin nakukuha ang resulta ng autopsy kung siya ba ay ni-rape bago pinatay,†pahayag ni Rafael
Matatandaang noong SaÂbado ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Kristelle “Kae†Davantes, marketing officer ng Eurepean Chamber of Commerce of the Philippines at senior account manager ng McCann Worldgroup Philippines sa ilalim ng Tibagan Bridge sa Barangay Sabutan na may palatandaang sinakal at sinaksak pa sa leeg.
Huling nakitang buhay si Davantes sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Biyernes ng gabi matapos dumalo ng kanilang company affair.
Sa naunang ulat ng Silang PNP, nawawala umano ang biktima noon pang Biyernes hanggang sa matagpuan itong may gapos ng seat belt at may busal na panyo.
Narekober din ng mga pulis ang kable ng adaptor ng laptop na posibleng ginamit na pangsakal sa biktima habang patuloy pa ring nawawala ang kotse nitong Toyota Altis (PIM-966).
Si Devantes ay nagtapos sa De La Salle University ng Master’s degree in marketing communications at nagtrabaho ng 2-taon sa McCann agency bago ito napaslang.
- Latest