^

Probinsiya

Taiwanese tiklo sa illegal fishing

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Naaresto ng mga awtoridad ang isang illegal na ma­ngingisdang Taiwanese na naaktuhang pumasok sa teritoryo ng karagatan ng Itbayat, Batanes kamaka­lawa.

Ito’y sa kabila ng kontro­bersya sa aksidenteng pagkakapatay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa isa nitong kababayang Taiwanese na nabaril matapos na mahuling nangingisda sa karagatan ng nasabing lugar may ilang buwan na ang nakalilipas.

Kinilala ni Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Rodrigo De Gracia ang nasakote na si Tsai Po, 54 ng Taiwan Hshien, Pintung Taiwan.

Agad sinampahan ng kasong paglabag sa Fisheries Law ang dayuhan ng mga nakahuling pulis at kasapi ng “Bantay-Dagat” ng Batanes.

Kinuha rin ng mga awtoridad ang bangka ng Taiwanese na may markang CTR-PT 3512 at mga ­fishing gears nito kabilang ang isang malaking air compressor, ayon pa kay de Gracia. 

 

vuukle comment

BANTAY-DAGAT

BATANES

CAGAYAN VALLEY POLICE DIRECTOR CHIEF SUPT

FISHERIES LAW

PHILIPPINE COAST GUARD

PINTUNG TAIWAN

RODRIGO DE GRACIA

TAIWAN HSHIEN

TSAI PO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with