CAVITE, Philippines - Dalawa-katao ang bumulagta matapos magduelo sa pakikipaginuman sa ilang kaibigan sa Brgy. Niog 2, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Mario Sumilang, 57, negosyante; at Mark Sulaum, factory worker, kapwa nakatira sa Little Parañaque sa nabanggit na barangay. Nabatid na nagkapikunan ang dalawa na sinasabing lango sa alak habang nakikipag-inuman kung saan inundayan ng saksak ni Sulaum ang kanyang kainumang si Sumilang. Kahit sugatan ay nagawang barilin ni Sumilang ang nakainitang si Sulaum na kapwa bumulagta.