MANILA, Philippines - Dalawang guro ng ChaÂrity Children Foundation Inc. (CCFI) ang dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga bandidong Abu Sayyaf sa panibagong insidente ng kidnapping sa bayan ng Lantawan, Basilan noong Miyerkules ng gabi.
Sa phone interview, kinilala ni Basilan PNP director P/Senior Supt. Mario Dapilloza ang mga binihag na sina Frederick Banot at Cherden Masong na kapwa teaching staff ng CCFI na isa sa non-government organization na nakabase sa nasabing lugar.
Nabatid na nagpapahinga ang dalawa sa staff house sa Sitio Wharf Panqasaan sa Barangay Tairan nang pasukin at kidnapin ng mga armadong lalaki.
Gayon pa man, walang nagawa ang dalawang biktima matapos na tutukan ng baril at puwersahang kaladkarin ng mga kidnapers pasakay ng dalawang pumpboat.
“We are still investigating the case to identify the culprits but we are not discounting that it is the handiwork of the Abu Sayyaf Group,†pahayag ni Dapilloza
Bumuo na ng Crisis MaÂnagement Committee sa pamumuno ni Lantawan Mayor Rustam Ismael para sa pagpapalaya sa mga bihag.