Desisyon ng CSC nirerespeto ni Gov. Vi
BATANGAS, Philippines – Irerespeto ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang magiging desisyon ng Civil Service Commission (CSC) kaugnay sa kinakaharap na kaso ng kanyang provincial administrator na sinasabing pineke nito ang resulta ng career service eligibility test.
Nagbigay ng pahayag ni Gov. Vi matapos ipag-utos ng CSC ang dismissal ni Batangas provincial admiÂnistrator Victor “Vic†Reyes nang ilahad nito sa kanyang Personal Data Sheet na pumasa siya sa professional eligibility test noong December 10, 2004. Subalit sa tala ng CSC, walang ibinibigay na exam sa binabanggit na petsa ni Reyes.
Sa ipinalabas na 12-pahinang desisyon ng CSC noong Hunyo 25, 2013, lumilitaw na guilty si Reyes sa mga kasong Serious Dishonesty, Grave Misconduct, Falsification of Official Documents and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service na nilagdaan nina CSC Chairman Francisco Duque III, Commissioners Robert Martinez, Nieves Osorio at Director Dolores Bonifacio.
Gayon pa man, sinabi ni Gov. Vi, nais lang anyang magkaroon ng due process sa kaso ni Reyes nang maghain ng motion for reconsideration ang admiÂnistrador sa CSC en banc.
“Let’s wait for the final decision, kapag napatunayan ng CSC o kung saan mang korte ito makarating at napatunayang guilty si Reyes, then so be it, I don’t have any choice but to follow the law,†pahayag pa ng gobernadora
Si Reyes na dating alkalÂde sa bayan ng Padre Garcia ay itinalaga na maging administrator noong 2007.
- Latest