Plantation manager utas sa NPA attack
NORTH COTABATO, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang 46-anyos na plant manager habang nasugatan naman ang isa pang kasama nito sa marahas na pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army na nagpasabog pa ng landmine sa rubber plantation sa Barangay Taluntalunan, bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Insp. Ma. Joyce Birrey, hepe ng Makilala PNP ang napatay na si Hector Lalaguna na mapuruhan sa pagsabog ng landmine habang malubhang nasuÂgatan ang isa pang kawani na si Francisco Manliquez Undag Jr., 47.
Sa ulat ni Lt. Nasrullah Sema ng Army’s 57th Infantry Battalion civil-military operations office, bandang alas-10 ng gabi nang saÂlakayin ng grupo ni Felix “Ka Jing†Armodia ang Standard Rubber Development Corporation (STANDICO) na pag-aari ng negosyanteng si Butch Pacheco.
Gayon pa man, nabaÂlitaan ni Lalaguna na sinaÂlakay ng NPA ang kanilang plantasyon kaya kaagad na rumensponde kasama si Manliquez sa pagbabakasakaling mapakiusapan ang mga rebelde na huwag isabotahe ang kanilang mga kagamitan pero naÂsabugan ng landmine.
Maging ang procesÂsing plant sa plantasyon na aabot sa tatlong ektarya ay sinunog din kasama ang mga bagong gawang goma at ilang kabahayan.
Aabot sa P10 milyong haÂlaga ng ari-arian ang napinsala sa naganap na pananabotahe.
“The burning by the NPA is very much painful to the 600 workers who will be loÂsing their jobs because of this incident. Extortion demand is the motive.†Pahayag ni Lt. Col. Noel Dela Cruz ng Army’s 57th Infantry Battalion.
- Latest