^

Probinsiya

2 drug pusher itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pinaghihinalaang drug pusher ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng ka-deal ng mga itong Muslim  nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang bentahan ng shabu sa Brgy. Taglatawan, Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon.

 Kapwa dead-on-arrival sa Bayugan Community Hospital ang mga biktimang sina Kheddy Joy Algabre, 27 anyos at Dawndi Tubo, 22; pawang walang hanapbuhay,  at mga residente sa lungsod. 

Ang suspek na pinaghahanap naman ng pulisya ay nakilala sa alyas na Titin, isang Maranao, tinatayang nasa pagitan ng 25-30 anyos na mabilis na tumakas matapos ang krimen. 

Sa ulat, sinabi ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, naganap ang insidente sa Purok 1 B, Brgy. Taglatawan, Bayugan City ng lalawigang ito bandang alas -2 ng hapon matapos na makipagkita ang mga biktima upang i-deliver ang shabu na binibili ng suspek.

Gayunman, nauwi sa mainitang pagtatalo ang pambabarat umano ng suspek sa binibili nitong shabu hanggang sa bunutin nito sa kaniyang tagiliran ang kaniyang armas at pagbabarilin ang dalawang drug pusher na siya ng mga itong ikinasawi.

Narekober naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol.

AGUSAN

BAYUGAN CITY

BAYUGAN COMMUNITY HOSPITAL

BRGY

DAWNDI TUBO

KHEDDY JOY ALGABRE

MARTIN GAMBA

POLICE SPOKESMAN SUPT

TAGLATAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with