^

Probinsiya

Brodkaster itinumba ng tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang brodkaster ang iniulat na na­patay matapos tambangan ng motorcycle-riding assassins sa bahagi ng Barangay Buru-un, Iligan City, Lanao del Norte noong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ng pulisya na ipinarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Fernando “Nanding” Solijon, anchor ng Public Affairs Program “Sandiganan” ng dxLS Love Radio FM mula Lunes hanggang Biyernes simula alas-8 ng umaga.

Nabatid na inimbitahan lamang ng kaibigan ang biktima para sa hapunan at inuman sa Barangay Buru-un at habang patawid patungo sa nakaparada nitong sasak­yan para pauwi ay biglang sumulpot at pinagbabaril ng riding-in-tandem gunmen.

Ang biktima ay nagtamo ng 13-tama ng bala sa ulo, tiyan at balikat.

Si Solijon na sinasabing kilalang masugid na supporter ni Iligan City Rep. Vicentre “Varf” Belmonte ay kilala rin sa pagbanat sa mga tiwaling pulitiko kung saan inere nito ang pagkakasangkot ng isang barangay chairman sa o­perasyon ng droga.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, maraming beses na nakatanggap ng death threat ang biktima bago pa man ang campaign period noong May 2013 midterm elections.

Kaugnay nito, kinondena naman ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) Iligan City-Lanao Chapter ang pagpatay kay Solijon habang bumuo na rin ang pulisya ng Task Force Nanding Solijon.

Sa tala ng NUJP, si Solijon ang ika-201 journalist na pinatay simula ng maibalik ang demokrasya sa bansa noong 1986 habang pang-19 naman si Solijon sa mga mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng termino ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

 

vuukle comment

BARANGAY BURU

CAMP CRAME

ILIGAN CITY

ILIGAN CITY REP

ILIGAN CITY-LANAO CHAPTER

LOVE RADIO

NATIONAL UNION OF JOURNALIST OF THE PHILIPPINES

PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO

SOLIJON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with