^

Probinsiya

Mister todas sa akyat-bahay

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Bulagta ang  29-anyos na mister habang kritikal naman ang hipag nito matapos saksakin ng akyat-bahay sa Barangay San Vicente, bayan ng Bato, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Napuruhan sa dibdib si Joni James Roaring habang ginagamot naman sa Bicol Medical Center ang sugatang si Louella Agarin.

Samantala, nasakote naman ang suspek na si Ric Jayson Ventura, 23, ng Camella Homes, Subdivision sa Bacoor City, Cavite at pansamantalang nakatira sa Barangay Palo sa nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, pumasok sa bahay ng pamilya Roaring ang suspek kung saan namataan naman ito ni Louella kaya nagsisigaw para makatawag pansin sa ilang kapitbahay.

Dito na inudayan ng saksak ng suspek ang nagsisigaw na si Louella kung saan sinaklolohan naman ng biktima kaya siya ang napagbalingang saksakin at mapatay.

Kaagad namang sumaklolo ang utol ni Louella na si Ramil kung saan napabagsak nito ang suspek matapos paluin sa ulo.

vuukle comment

BACOOR CITY

BARANGAY PALO

BARANGAY SAN VICENTE

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

CAMELLA HOMES

JONI JAMES ROARING

LOUELLA

LOUELLA AGARIN

RIC JAYSON VENTURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with