State of calamity idineklara
MANILA, Philippines - Inianunsyo na kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagsasailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Laguna.
Kinumpirma ni NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario ang paglalagay sa state of calamity sa Laguna matapos itong personal na tawagan ni Laguna Governor Emilio Ramon (ER) Ejercito kahapon ng hapon.
Ipinarating ni Gov. Ejercito na 69 barangay sa buong lalawigan ang apektado ng matinding pagbaha kung saan inilikas ang mga residente sa 47 evacuation centers.
Nabatid na tumindi ang pagbaha matapos na umapaw ang Laguna Lake na nakaapekto sa San Pedro, Biñan City, Sta. Rosa City, mga bayan ng Sta. Maria, Mabitac, Cabuyao at iba pa.
Samantala, isinailalim na rin sa state of calamities ang San Fernando City, Masantol, Guagua, Macabebe at ang bayan ng Minalin sa Pampanga.
Kasunod nito, isinailalim na rin kahapon sa state of calaÂmity ang Bataan kabilang na ang 25 barangay sa mga bayan ng Hermosa, Dinalupihan, Orani at Abucay ang dumanas ng pagbaha na nakaapekto sa 8,429 pamilya (34,392 katao) at isang bayan naman sa Rizal bunga ng matinding pagbaha, ayon sa ulat. Halos buong Central Luzon ay nilumpo sa matinding mga pagbaha ng habagat at bagyong Maring kung saan umaabot sa 273 barangay ang binaha sa may 35 munisipalidad na kinabibilangan ng 149 sa Pampanga; 71 sa Bulacan at anim sa Zambales. Naitala naman sa kabuuang 21,031 pamilya (97,510 katao) ang naapektuhan ng mga pagbaha sa Region III na nakaapekto rin sa Tarlac. isinailalim na rin sa State of Calamity ang Cavite matapos lumubog sa tubig baha ang 90% bayan.
- Latest