10 trak na white sand, pinigil
ILAGAN CITY, Isabela , Philippines – Pinigil ng mga awtoridad ang sampung trak na kargado ng white sand na sinasabing tinangkang ipuslit palabas ng Sta. Ana, Cagayan kamakalawa.
Ayon kay Sta. Ana MENRO head Florence Doniego, walang kaukulang dokumento na naipakita ang mga driver ng trak na dumayo at maghakot ng puting buhangin mula sa Anguib beach.

Kinilala ni P/Chief Insp. Romar Pacis, hepe ng Sta. Ana PNP ang mga naaresto na sina Antonio Caryon, Gervacio Gammad, Crescencio Albano, Leonardo Bunuan, Norberto Divina, Renato Mabanag, Carlos at Jose Anthony Batuy ng Cauayan City; Reynaldo Colares ng Reina Marcedes; at si Joselito Ramirez ng Naguilian na pawang nasa lalawigan ng Isabela.
 Pinawalan naman ng pulisya ang mga trak driver sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan matapos idiskarga sa munisipyo ng Sta. Ana ang mga hinakot na buhangin.

Nabatid na gagamitin sana sa proyekto ng pagpapagawa ng skypark sa kapitolyo ng Ilagan City ang puting buhangin.
- Latest