^

Probinsiya

Trader pumalag sa holdaper, utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 50 anyos na negosyante matapos na pagbabarilin nang pumalag sa hindi pa nakilalang dalawang mga armado at maskaradong kalalakihan na nanloob sa malaking tahanan nito sa Brgy. Sta. Lucia, Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Kinilala ni Chief Ins­pector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO)9 ang biktima na si Chito Veran, may asawa, isang kilalang negosyante at residente sa naturang lugar.

Ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa Borbon Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat, sinabi ni Huesca, bandang alas-6:45 ng gabi nang bigla na lamang sumulpot ang mga armadong kalalakihan na naka­suot ng bonnet at naka-bullcap sa tindahan ni Veran sa kahabaan ng Jamisola Extension, Brgy. Sta. Lucia ng lungsod.

Agad na tinutukan ng baril ng mga suspek ang bayaw ni Veran na si Albert Macabudbud, 53, taga Pasig City, isang inhinyero at nagbabakasyon lamang sa lugar habang nakatayo sa tindahan ng ang negos­yante kung saan kinuha ang Samsung cell phone nito na nagkakahalaga ng P 10,000.

Sumunod namang pinasok ng mga suspek ang tindahan at tinutukan si Chito at ang misis nitong si Naomi Macabudbud Veran saka nagdeklara ng holdap na ipinalalabas sa negos­yante ang kinita ng tindahan pero pumalag ang biktima kaya pinagbabaril.

Nagsasagawa na ng followup investigation ang mga awtoridad sa kasong ito.

 

ALBERT MACABUDBUD

ARIEL HUESCA

BORBON HOSPITAL

BRGY

CHIEF INS

CHITO VERAN

JAMISOLA EXTENSION

NAOMI MACABUDBUD VERAN

PAGADIAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with