Treasurer ng kooperatiba itinumba
MANILA, Philippines - Pinabulgta ang 32-anyos na treasurer ng kooperatiba matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng national highway sa Barangay Sengal, Lamitan City, Basilan kahapon ng umaga.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Mario Dapiloza na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang napatay na si Joseph Fernandez, may asawa, ingat-yaman ng AFAMCO Cooperative at nakatira sa Brgy. Cambodia, Isabela City.
Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay lulan ng motorsiklo ( JP 8878) na patungong Lamitan City mula sa Isabela City nang sundan at pagbabarilin ng assasins pagsapit sa nabanggit na lugar bandang alas-9:30 ng umaga.
Nakuha sa bulsa ng biktima ang cal. 9mm na nabigong gamitin ng biktima.
Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.
- Latest