6 trak sinunog ng NPA rebs
NORTH COTABATO, Philippines – Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang winasak ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang sunugin ang anim na trak na ginagamit sa paghahakot ng saging sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon ng madaling-araw
Ayon kay kay P/Senior Inspector Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP, sinalakay ng mga armadong rebelde ang hub facility ng Sumifro Corp. sa Barangay Bangbang sa nabanggit na bayan.
Gayon pa man, ‘di-na nakapalag ang mga sekyu matapos disarmahan kung saan kinumpiska rin ang mga handheld radios.
Kasunod nito, pinagtulungan ng mga rebelde na buhusan ng gas ang mga trak saka sinilaban.
Kabilang sa mga sinunog ay ang tatlong shutter trucks na pag-aari ng Sumifro Corp. at tatlong prime movers na pag-aari naman ng GY Trucking Company.
Ang Sumifro Corp. na may 3,000 manggagawa mula sa mga bayan ng Magpet, Antipas, Arakan at Matalam ay nag-i-export ng mga de-kalidad na prutas partikular na ang saging na ang base ng operasyon ay nasa ÂMindanao.
Pinaniniwalaan namang extortion ang pangunahing motibo ng mga rebelde sa nasabing firm.
- Latest