Panaderong tiktik nilikida
August 13, 2013 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinatay ang 48-anyos na panadero na sinasabing tiktik ng pulisya at militar makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Maopi, bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga. Bandang alas-5:15 ng umaga nang pasukin ng mga rebelde ang bahay ng biktimang si Manuel Mendenilla saka iginapos sa harap mismo ng kanyang asawa’s anak saka kinaladkad palabas. Dito na pinagbabaril ang biktima may ilang metro lamang ang layo sa kanyang bahay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended