^

Probinsiya

Hepe sibak sa ambush

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Sinibak na ni Cagayan Valley Police Regional Director Chief Supt. Rodrigo De Gracia ang hepe ng bayan ng Rizal kasunod ng nabigong ambush sa alkalde dito at iba pang kaso ng karahasan na iniuugnay sa gaganaping Barangay elections sa dara­ting na Oktubre.

Ipinalit naman ni De Gracia sa sinibak na si Sr. Insp. Gerry Roque si Sr. Insp. Arthur Sto. Tomas.


Naganap ang bigong ambush kay Rizal Mayor Joel Ruma noong nakalipas na Agosto 5 nang paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan ang behikulong sinasakyan nito sa Brgy. Gaggabutan East.

Ligtas namang nataka­san ng grupo ni Ruma ang pananambang.
 Noong Hulyo 21, napatay ang follower ni Ruma na si Chairman Edwin Gannaban sa labas ng bahay nito sa Brgy. Pasingan.

Ang mga nasangkot sa pagpatay ay ang dating Chairman sa lugar na si Gilbert Mamauag at isang ex-CAFGU na si Randy Gadduan. Si Gadduan ay na­patay naman sa ambush na nangyari sa Brgy. Iluru Sur makalipas ang tatlong araw ng pagpatay kay Gannaban.

Samantalang magmula ng maganap ang insidente ay natanggap ni Cagayan Police Director Sr. Supt. Greg Lim ang ulat sa pag-iikot sa lugar ng mga armadong lalaki na nagpapaputok pa ng baril noong kapistahan dito.

Wala naman naulat na nasaktan sa nasabing insi­dente.

 

ARTHUR STO

BRGY

CAGAYAN POLICE DIRECTOR SR. SUPT

CAGAYAN VALLEY POLICE REGIONAL DIRECTOR CHIEF SUPT

CHAIRMAN EDWIN GANNABAN

DE GRACIA

GAGGABUTAN EAST

GERRY ROQUE

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with