^

Probinsiya

2 lider ng NPA arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng pulisya at militar ang dalawang lider ng mga rebeldeng New People’s Army sa isinagawang magkahiwalay na operas­yon sa Bondoc Peninsula, Quezon. Kinilala ni Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo, commander ng AFP-Southern Luzon Command ang mga suspek na sina Juanito “Ka Jacko” dela Peña at Joel “Ka Reyman” Peros, 35, kapwa lider ng NPA sa nasa­bing lugar. Unang naaresto  si Ka Jacko sa San Francisco, Quezon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted murder na inisyu ng Gumaca Regional Trial Court Branch 62 sa Quezon. Sumunod namang nasakote ng 74th Infantry Battalion si Ka Reyman sa bayan ng San Andres, Quezon kamakalawa kung saan nahaharap ito sa kasong attempted murder. Base sa tala, si Ka Reyman ay sangkot sa pana­nambang sa mga opisyal ng pulisya sa San Andres, Quezon noong 2010.

 

BONDOC PENINSULA

CAESAR RONNIE ORDOYO

GUMACA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

INFANTRY BATTALION

KA JACKO

KA REYMAN

NEW PEOPLE

QUEZON

SAN ANDRES

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with