^

Probinsiya

No helmet policy inimplementa sa Cotabato City

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa gitna na rin ng malagim na pambobomba  na kumitil ng buhay ng walo-katao, inimplementa na kahapon ng pulisya ang no helmet policy sa Cotabato City.

Ito ang inihayag  kahapon ni Cotabato City PNP director P/Senior Supt. Rolen Balquin kung saan ang hakbang ay si­nimulan sa selebrasyon ng Eidl Fitr bilang pagtatapos ng Ramadan.

 â€œAt least ma-identify natin ‘yung mga suspect sa shooting incident and other crimes wearing helmets,” ayon kay Balquin kaugnay ng patuloy na pagtugis laban sa mga nasa likod ng pambobomba sa Cotabato City noong Agosto 5.

Una nang ipinatupad sa Davao City ni Mayor Rodrigo Duterte partikular na sa Kadayawan Festival ang ‘no backpack policy’ dahil karaniwan na umanong inilalagay ng mga bomber ang bomba.

Ang Davao City ay pinangangambahang targetin din ng pambobomba ng teroristang grupo.

Gayon pa man, upang maging legal ang panukala at maipagpatuloy ang no helmet policy ay hihi­lingin nila sa pamahalaang lungsod na magpasa ng resolusyon.

 â€œWe are request for passage of resolution for the legitimate implementation ng no wearing of helmet policy inside Cotabato City,” ani Balquin

 Inihayag ng opisyal na ang hakbang ay bilang bahagi ng preemptive mea­sure upang hindi na maulit pang muli ang malagim na pagpapasabog kung saan ang bomba ay itinanim sa nakaparadang multicab na katabi ng motorsiklo sa kahabaan ng Sinsuat Avenue, Brgy. Rosary Heights 10.

Sa nasabing insidente ay nasa sampung kabahayan din ang nasunog na nasa tabi ng highway  matapos gamitan ng 500 kilo ng ammonium nitrate ang pampasabog.

 

ANG DAVAO CITY

BALQUIN

COTABATO CITY

DAVAO CITY

EIDL FITR

KADAYAWAN FESTIVAL

MAYOR RODRIGO DUTERTE

ROLEN BALQUIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with