^

Probinsiya

5 sundalo sugatan sa landmine

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang sundalo ang ini­ulat na nasugatan matapos na  pasabugan ng landmine at pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army sa Purok 2, Barangay Kauswagan sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur kahapon ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Leo Bongosia, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, bandang alas-7:15 ng umaga nang magsagawa ng foot patrol ope­rations ang tropa  Army’s 26th Infantry Battalion pero sumabog  ang landmine na itinanim ng NPA kung saan nasugatan ang lima.

Kabilang sa mga nasu­gatan ay sina Pfc. Julbair Dassad, Pfc. Raphy John Teola, Pfc. Remar Edpalina, Pfc. Rene Lazaga at si Cafgu Emmanuel Batolina.

 â€œAll the wounded soldiers were hit by landmine blasts,” ani Bongosia na sinabing pawang Private First Class ang ranggo ng mga biktima na isinugod na sa ospital.

Sa kabila naman ng so­p­resang pag-atake ay kaagad namang sinagupa ng mga sundalo ang grupo ng NPA kung saan tumagal ng 10-minuto.

Pansamantalang nag­lagay ng command post ang tropa ng military sa nabanggit na lugar  kaugnay sa isinasagawang Bayanihan project sa komunidad.

 

BARANGAY KAUSWAGAN

CAFGU EMMANUEL BATOLINA

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JULBAIR DASSAD

LEO BONGOSIA

NEW PEOPLE

PRIVATE FIRST CLASS

RAPHY JOHN TEOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with