^

Probinsiya

15 tiklo sa iligal mining

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa 15-Tsino ang nadakma ng mga awtoridad makaraang maaktuhan sa iligal na pagmimina sa karagatan ng Cagayan kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Presidential Legislative Officer Manuel Mamba, hepe ng Anti-mining Task Force, dalawa sa 15 dayuhan ang may kaukulang dokumento at pawang manggagawa ng Huaxia Trading and Mining Corp. na may ope­rasyon sa dalampasigan ng Barangay Paddaya sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Nasamsam din ng mga awtoridad ang mga heavy equipment at iba pang kagamitan sa pagmimina na nasa panga­ngalaga ngayon ng Mines and Geosciences Bureau.

 â€œWe have earlier issued a stoppage order to Huaxia mining for conducting mining within the prohibited zone. We implemented the order with the NBI last Thursday and Friday,” pahayag ni MGB Regional Director Mario Ancheta.

Naunang nagpalabas ng stoppage order si Ancheta laban sa dalawang mining company na Lian Xing Philippines Curving Company Corp. at Land Wealth Resources Inc. na may operasyon ng pagmimina sa bayan ng Gonzaga, Cagayan subalit patuloy pa rin ang operasyon.

Kasalukuyang nasa custody ng Bureau of Immigration ang mga suspek at pormal namang kakasuhan.

 

BARANGAY PADDAYA

BUREAU OF IMMIGRATION

HUAXIA TRADING AND MINING CORP

LAND WEALTH RESOURCES INC

LIAN XING PHILIPPINES CURVING COMPANY CORP

MINES AND GEOSCIENCES BUREAU

PRESIDENTIAL LEGISLATIVE OFFICER MANUEL MAMBA

REGIONAL DIRECTOR MARIO ANCHETA

TASK FORCE

THURSDAY AND FRIDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with