^

Probinsiya

2 nag-boksing sa Comelec

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Nagkasuntukan ang dalawang perso­nalidad habang ginaganap ang huling araw ng barangay at Sangguniang Kabataan registration sa harap mismo ang opisina ng Comelec  sa Barangay Lublub, bayan ng Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya kahapon.

Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Atty. Richard Asuncion, 37, tubong Castillejos, Zambales; at Jerry Bentrez, 32, barangay treasurer, ng Sitio Melina, Barangay Abuyo sa nasabing bayan.

Sa ulat na nakarating sa Nueva Vizcaya PNP Office, Lumilitaw na  nakaupo si Asuncion kasama ang kanyang misis sa harap ng Comelec nang komprontahin ni Bentrez.

Ayon kay PO1 Delfin Espelimbergo, nairita si Asuncion sa mga binitiwang salita ni Bentrez kaya sinuntok nito sa kanang mata.

Gayon pa man, gumanti si Benitez at sinuntok naman si Asuncion sa bibig hanggang sa magkasuntukan sa harap ng mga tao kung saan inawat naman ng pulisya na rumesponde.

Napag-alaman nagalit si Bentrez kay Asuncion matapos sabihan ang ilang nasugatang biktima na maghain ng reklamo sa pulisya laban sa may-ari ng  passenger jeepney (CPF 105) na si Bentrez na sinasabing nasangkot sa vehicular accident lulan ang mga magpaparehistro sana sa Comelec.

vuukle comment

ALFONSO CASTA

ASUNCION

BARANGAY ABUYO

BARANGAY LUBLUB

BENTREZ

COMELEC

DELFIN ESPELIMBERGO

JERRY BENTREZ

NUEVA VIZCAYA

RICHARD ASUNCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with