^

Probinsiya

COP ng Gapo sisibakin sa lumalalang krimen

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines – Nalalagay sa alanganin masibak ang hepe ng pulisya sa Olongapo City makaraang maalarma ang mga residente sa patuloy na paglaganap ng krimen sa nabanggit na lungsod.

Ito ang ipinahayag ni City Administrator Mamerto Ma­labute kaugnay na rin sa pagkakadismaya ni Olongapo City Mayor Rolen C. Paulino sa hepe ng pulisya na si P/Senior Supt. Rodolfo Recomono Jr., sa kaugnay sa sunud-sunod na patayan na nagaganap sa nakalipas na linggo.

Sa pinakahuling insidente ayon kay Malabute, ang pagpatay sa 50-anyos na negosyanteng si Paul Salvatus matapos ratratin sa pag-aaring beach resort sa Barangay Kalaklan noong nakalipas na linggo.

Pinagbabaril naman ang magkapatid na Jerwin Kusumi, 31; at Jeff Kusumi, 26, habang naglalakad sa bisinidad ng Magsaysay Drive kung saan kritikal pa rin sa ngayon sa ospital.

Maging ang kontrobersyal na abogadong si Ian Vela Cruz ay niratrat din noong Mayo at noong Abril naman, binaril at napatay ang 52-anyos na Australian trader na si Paul Dean Davy sa bisinidad ng pag-aaring beach resort sa Barangay Barreto. Sinikap naman kunin ang panig ni Recomono subalit hindi nakontak.

vuukle comment

BARANGAY BARRETO

BARANGAY KALAKLAN

CITY ADMINISTRATOR MAMERTO MA

IAN VELA CRUZ

JEFF KUSUMI

JERWIN KUSUMI

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY MAYOR ROLEN C

PAUL DEAN DAVY

PAUL SALVATUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with