Kandidatong barangay chairman, itinumba
BULACAN , Philippines - Hindi pa nagsisimula ang campaign period ng SK at barangay election ay nagsimula na ring itinumba ang ilang kandidato makaraang isa na namang kandidato sa pagka-barangay chairman ang napaslang matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Barangay Sta. Rita Matanda, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Pitong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Ruel Viola, 35, construction foreman at nakatira sa Barangay Tibagan sa nabanggit na bayan.
Nabatid na si Viola ay nagdeklara na kakandidato sa nalalapit na SK at barangay election sa Oktubre 2013.
Base sa police report, paauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang buntutan at ratratin ng ridng-in-tandem bandang alas- 9 ng gabi.
Naisugod pa sa San Miguel District Hospital subalit namatay din ang biktima habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest