^

Probinsiya

3 magsasaka minasaker, sinunog

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng tatlong magsasaka matapos ratratin ng  siyam na kalalakihan saka sinunog pa ang mga bangkay sa liblib na bahagi ng Sitio Magabobong, Upper Maton sa bayan ng Pudtol, Apayao, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Albertlito Garcia, director ng Apayao PNP, kabilang sa brutal na pinatay ay sina Felix Matulot, 75; Jayson Acob, 29; at si Rogelio Rupad, 39.

Nakaligtas naman ang isa sa kasamahan ng tatlo na si Elevencio Matulot, 44, nagsilbing susi upang maituro ang siyam na suspek na sina Dionisio Batalao Bernal, Tubban Luban, Beltran Francisco, Divina Dandan, Gerald Daluguis, Marcelo Luban, Alex Luban, Bryan Bernal, at si  Charlie Igwad na pawang nakatira sa bayan ng Kabugao sa Apayao.

Ang bangkay ng tatlo ay positibong kinilala ng kanilang pamilya at ng survivor na si Matulot na nagawang makaligtas matapos magtatakbo habang niraratrat siya at ang kaniyang mga kasamahan bago nagtago sa bahay ng kaniyang ina sa Barangay Waga.

Kinabukasan ng Lunes ay nagdesisyon si Matulot  na mag-report sa pulisya kung saan tinungo naman ng mga awtoridad ang pinangyarihan ng insidente.

Natagpuan ang halos hindi na makilalang bangkay ng mga biktima na magkakasama sa sinunog na bahay sa pagtatangkang itago ang krimen.

Sinabi ni Garcia na ang insidente ay nai-report sa pulisya kamakalawa dahil sa may kalayuan ang nasabing lugar.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng iba’t ibang uri ng baril kabilang ang shotgun habang patuloy ang pagtugis sa mga suspek.

ALBERTLITO GARCIA

ALEX LUBAN

APAYAO

BARANGAY WAGA

BELTRAN FRANCISCO

BRYAN BERNAL

CHARLIE IGWAD

DIONISIO BATALAO BERNAL

DIVINA DANDAN

ELEVENCIO MATULOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with