Barangay treasurer dedo sa adik
July 24, 2013 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinaniniwalaang napagtripang saksakin at mapatay ang 56-anyos na barangay treasurer ng di-kilalang lalaki na sinasabing lango sa droga sa Barangay Pawa, Tabaco City, Albay kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Ziga Memorial District Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Philip Villegas. Batay sa police report, pauwi na ang biktima nang harangin at saksakin sa gitna ng kalsada bandang alas-8:45 ng gabi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended