^

Probinsiya

Van nahulog sa bangin: ginang utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang habang himala namang nakaligtas ang dalawa nitong anak kabilang ang isang sanggol na lalaki makaraang aksidenteng mahulog sa malalim na bangin ang sinasakyan ng mga itong van sa matarik na bahagi ng Alab Proper, Bontoc, Mountain Province kamakalawa .

 Kinilala ni Cordillera Police Spokesman Supt. Davy Vicente Limmong ang nasawing biktima na si Novy Bogenggeng, idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan.

 Samantalang milagro namang nakaligtas ang dalawang anak nitong sina Ariz , 3 anyos at 1 taong sanggol na si Alex; kapwa walang tinamong sugat sa insidente. 

Base sa imbestigasyon, bandang alas-4 ng madaling araw habang bumabagtas ang Delica van (BDR 808) na minamaneho ni Joseph Bogenggeng Jr., 40 anyos sakay ang dalawa nilang anak at ang nasawi niyang misis nang mahulog sa may 43 metrong lalim na bangin ang sasakyan. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

 

vuukle comment

ALAB PROPER

ALEX

ARIZ

BONTOC

CORDILLERA POLICE SPOKESMAN SUPT

DAVY VICENTE LIMMONG

DELICA

JOSEPH BOGENGGENG JR.

MOUNTAIN PROVINCE

NOVY BOGENGGENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with