^

Probinsiya

6 NPA, Cafgu todas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim na armadong New People’s Army at isang Cafgu  ang iniulat na napaslang matapos sumiklab ang bakbakan sa panghaharas ng detachment ng militiamen sa Barangay Banag-Banag, bayan ng Sibagat, Agusan del Sur kahapon ng umaga. Ayon kay Lt. Col. Leo Bongosia, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, bandang alas-5 ng umaga nang umatake ang mga rebelde sa detachment ng Citizens Armed Forces Geographical Unit. Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay nagawang magdepensa ang mga sundalo ng Cafgu na nakipagbakbakan sa grupo ng mga rebelde. Kinilala ang napatay na Cafgu na si Elan Vincolado habang nasugatan naman ang kasamahang si Edwin Cempron. Gayon pa man, anim na rebelde ang napaslang makaraang magsagawa ng support operataion ang dalawang attack chopper ng Phil. Air Force.

 

AGUSAN

AIR FORCE

BARANGAY BANAG-BANAG

CAFGU

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

EDWIN CEMPRON

ELAN VINCOLADO

INFANTRY DIVISION

LEO BONGOSIA

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with