P200,000 reward vs killer ng DENR official
STA. ANA, Cagayan, Philippines – Nakahanda ng ipagkaloob ng Regional Executive Director ng Department of Environment and Natural Resources sa Region II ang ipinangakong P200,000 reward kasunod ng pagkakaaresto kamakalawa sa tinaguriang gunman sa pagpatay sa kanilang kasamahan noong Pebrero 2011 sa Sanchez Mira, Cagayan.
Ayon kay Director Benjamin Tumaliuan, siniguro ng ingat-yaman ng kanilang samahan na si Forester Marlon Agnar na Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) ng Tuguegarao City na maaaring mailabas ang pondo anumang oras.
Ang reward ay ipinahanda ni TumaÂliuan matapos ang balita ng pagkakadakip sa Cauayan City, Isabela kamaÂkalawa sa suspek na si Adorable Caliga, 28 na tubong Claveria, Cagayan.
Si Caliga ang siyang itinurong pangunahing suspek sa pagbaril at pagpatay kay Forester Melania Dirain na Community Forest Specialist ng DENR sa loob ng kanyang opisina habang nakikipag-usap ang opisyal sa teleÂpono noong Pebrero 7, 2011.
Ayon kay Isabela Police Director Sr. Supt. Sotero Ramos, nadakip ni Chief Insp. Pilarito Malillin, hepe ng pulisya ng San Mateo si Caliga sa liblib na lugar sa Brgy. Villa Concepcion.
- Latest