^

Probinsiya

Parak timbog sa extortion

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Rizal, Philippines — Isang pulis na inireklamo ng extortion ang ina­resto ng kanyang mga kabaro sa isinagawang entrapment operation sa isang restaurant sa Brgy. San Jose, Antipolo City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Manuel Placido, hepe ng Antipolo City Police, ang suspek na si PO3 Harold Solano Pulero na nakatalaga sa Highway Patrol Group (HPG) sa Camp Crame.

Inaresto si Pulero matapos itong ireklamo ng isang tinukoy na Gng. Robles, 62, na umano’y kinokotongan ng P30,000 ni Pulero para sa kanyang certificate of non-recovery of motor vehicle.

Nag-ugat ang reklamo matapos na makarnap ang sa­sakyan ni Robles noong nakaraang taon at kailanganin nito ng naturang certificate para sa insurance claim.

Naaktuhan naman ng mga tauhan ni Placido na tina­tanggap ni Pulero ang halagang P30,000 na nakasilid sa isang envelope sanhi upang arestuhin siya ganap na alas-9 ng umaga.Ang suspek ay nahaharap na ngayon sa kasong robbery extortion.

 

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY POLICE

BRGY

CAMP CRAME

HAROLD SOLANO PULERO

HIGHWAY PATROL GROUP

MANUEL PLACIDO

PULERO

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with