^

Probinsiya

Fil-Chinese trader itinumba ng riding-in-tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang negos­yanteng Filipino-Chinese matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang motorcycle riding in tandem na mga armadong salarin sa ambush sa Brgy. Dumagoc, Pagadian City, Zamboanga del Sur  kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si James Tan, 32 anyos, goldsmith shop owner, dead-on-the-spot sa tinamong  mga tama ng bala ng cal 380 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon, si­nabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO)9 dakong alas-8:35 ng gabi ng maganap ang insidente sa Purok Silao, Brgy. Dumagoc ng lungsod.

Kasalukuyang lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklong XRM Honda(JJ2499) nang sundan ng mga salarin na magkaangkas rin sa motorsiklo at pagsapit sa lugar ay pinagbabaril ang biktima ng isa sa mga suspek na agad nasawi sa insidente.

Samantalang bago tumakas ay kinuha pa ng suspek ang gintong kuwintas na suot ng biktima.

Isinasailalim pa sa imbestigasyon ang motibo ng krimen.

 

BRGY

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

DUMAGOC

FILIPINO-CHINESE

ISINASAILALIM

JAMES TAN

PAGADIAN CITY

POLICE REGIONAL OFFICE

PUROK SILAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with