^

Probinsiya

300 kawani mawawalan ng trabaho

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Tinatayang aabot sa 300 kawani ng kapitolyo sa ilalim ng nakalipas na administration ang nakaambang mawawalan ng trabaho matapos magpalabas ng executive order ang bagong halal na gobernador na i- revoke ang mga appointment ng mga ito.

Sa ipinalabas na exe­cutive order ni Gov. Ruth Padilla, nakasaad ang pag-recall sa lahat ng mga appointment na ginawa ni dating Governor Luisa Cuaresma.

Sinasabi na lahat ng mga nahirang bilang permanent o na-promote sa trabaho mula 2007 maging ang mga bagong appointed bago ang May 13 mid-term eleksiyon ay apektado.

“The appointments and promotions of some employees were made in the absence of a Personnel Selection Board which should have been created in accordance with law,” nakasaad sa kautusan ni Gov. Padilla.

Subalit sa panig ng da­ting provincial legal counsel ng nakalipas na administration na si Atty Leslie Costales  ang appointments ng mga apektadong provincial government employees ay dumaan sa tamang pro­seso.

“Their appointments, were approved by the Civil Service Commission after the provincial government complied with all the ne­cessary requirements and processes, However, we will give the new administration the benefit of the doubt that they are also complying with the process,” pahayag ni Costales.

Hindi naman makontak ang chief of staff ni Gov. Padilla at maging ang nasabing gobernador para makapagbigay ng kanilang panig.

 

ATTY LESLIE COSTALES

CIVIL SERVICE COMMISSION

GOVERNOR LUISA CUARESMA

PADILLA

PERSONNEL SELECTION BOARD

RUTH PADILLA

SINASABI

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with