Ika-15 most wanted, tiklo
MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng ika-15 most wanted na sinasabing nagtago ng 12-taon matapos itong masakote ng mga operatiba ng pulisya sa Sitio Mabaho, Purok 2 sa Barangay Mahayahay, bayan ng Lingig, Surigao del Sur, kamakalawa ng gabi. Sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Ermelindo G. Andal ng Prosperidad Regional Trial Court Branch 6 sa Agusan del Sur, nadakma ang suspek na si Elpedio “Rambo†Gomez na dating rebeldeng New People’s Army noong 1994 hanggang 2004.Si Gomez na may kasong kriminal ay may patong sa ulo ng P75,000.
- Latest