Municipal councilor itinumba
MANILA, Philippines - Napaslang ang 52-anyos na municipal councilor na sinasabing may bitbit na P.5 milyong cash matapos holdapin ay pinagbabaril pa ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Talogtog sa bayan ng Dolores, Abra kamakalawa.
Bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang lapitan at pagbabarilin sa ulo ang biktimang si Rogelio Talingdan, negosyante at nakatira sa Barangay San Gregorio sa bayan ng La Paz.
Sa ulat na nakaraÂting kay Cordillera PNP spokesman P/Supt. Davy Vicente Limmong, abala ang biktima sa pakikipagnegosasyon sa ibinebentang baka sa pamilihang bayan nang pagbabarilin ito ng malapitan.
Tinangay ng mga armadong lalaki ang suot nitong chaleko kung saan nakalagay ang malaking halaga bago tumakas.
- Latest