Ilulunsad na atake ng MILF, itinanggi
KABACAN, North Cotabato, Philippines - Itinanggi ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga akusasyon laban sa kanilang grupo na maglulunsad ng pang-atake sa ilang vital installation sa Mindanao matapos ang palpak na negosasyon sa pamahalaan.
Sa text messages, sinabi ni MILF chief negotiator Mohaqher Iqbal na black propaganda lang ang nasabing ulat.
Sa katunayan, si Iqbal ay tutulak ngayong araw sa Maynila para magtungo ng Kuala Lumpur, Malaysia para sa peace talks ng pamahalaan na nakatakda sa susunod na linggo.
Sinabi naman ni North Cotabato MILF Local Monitoring Team Jabib Guibar na ang mga kumakalat na text messages ay produkto ng mga indibidual na ayaw sa kapayapaan.
Sa panayam, inihayag ni Guibar na walang order mula sa MILF Central Committee na maglulunsad ng pang-aatake ang MILF sa North Cotabato at ilang lugar sa Central Mindanao.
Naunang naalarma ang mga residente ng North Cotabato dahil sa babala ng mga biyahero na dumadaan sa Cotabato-Davao Highway na ruta na mag-ingat sa mga gagaÂwing pag-atake ng nasaÂbing grupo.
Ang nasabing balita ay nakarating na rin sa intelligence network ng gobyerno na may mga armadong grupo na namataan sa lalawigan ng North Cotabato na naka-full battle gear.
- Latest