^

Probinsiya

8 NPA tumba sa encounter

Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines - Walong rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang dalawang amasona ang ini­ulat na napatay makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi sa Barangay Calmayon, bayan ng Juban, Sorsogon kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Col. Joselito Kakilala, commander ng Army’s 903rd Infantry Brigade, bandang alas-6 ng umaga nang sumiklab ang sagupaan habang nagsasagawa ng combat operations ang tropa ni Army’s 31st Infantry Battalion Commander Lt. Col. Beerjenson Aquino.

Makalipas ang 35-minutong bakbakan ay nagsiatras naman ang mga rebelde na inabandona ang tatlong kasamahang napatay.

Nabatid na malaki ang naitulong ng mga sibilyan na nag-tip sa tropa ng militar sa presensya ng mga rebelde na sinasabing nangongolekta ng revolutionary tax.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang bangkay ng mga rebelde, tatlong baby Armalite, dalawang M16 rifle na may nakakabit na M203 grenade launcher at improvised explosive device. Ed Casulla, Francis Elevado at Joy Cantos

BARANGAY CALMAYON

BEERJENSON AQUINO

ED CASULLA

FRANCIS ELEVADO

INFANTRY BATTALION COMMANDER LT

INFANTRY BRIGADE

JOSELITO KAKILALA

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with