^

Probinsiya

Chairman at misis, dedo sa riding-in-tandem

Pilipino Star Ngayon

DOLORES,Quezon, Philippines – Patay ang isang barangay captain at kanyang misis matapos na ratratin ng lalaki na magkaangkas sa motorsiklo sa  bayang ito kamakalawa ng umaga.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanilang ulo at katawan sina Ricardo Romero, 58, may-sapat na taong gulang, kapitan ng Brgy. Bulakin 2 at misis na si Wilma Romero, 48, court employee ng Dolores Municipal Trial Court na kapwa dead-on-arrival sa Municpal Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Dolores PNP, sakay umano ang mag-asawa sa kanilang sasakyang jeep at kagagaling lamang sa kanilang bakery dakong alas-6:50 ng umaga nang buntutan ng riding-in-tandem na nakasuot umano ng helmet at mascara pagsapit sa Gurano St., Brgy. Bayanihan, nasabing bayan.

Lumampas umano sa sasakyan ng kapitan ang mga suspek at isa sa mga ito ay bumunot ng baril at pinaulanan ng punglo ang mga biktima saka mabilis na tumakas na sakay ng motorsiklong kulay itim at walang plaka.

Narekober ng mga nagrespondeng pulis ang mga basyo ng bala ng kalibre 45 pistola sa pinangyarihan ng insidente. (Tony Sandoval/Joy Cantos)

 

BAYANIHAN

BRGY

BULAKIN

DOLORES MUNICIPAL TRIAL COURT

GURANO ST.

JOY CANTOS

LUMAMPAS

MUNICPAL HOSPITAL

RICARDO ROMERO

TONY SANDOVAL

WILMA ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with