^

Probinsiya

3 katao itinumba ng drug syndicates

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao kabilang ang magkapatid na lalaki ang nasawi matapos na pagbabarilin ng mga pinaghihinalaang miyembro ng sindikato ng droga sa magkakahiwalay na insidente sa bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Pangasinan Police Spokesman Chief Inspector Ryan Manongdo, bandang alas-4:30 ng hapon ng maganap ang unang insidente nang pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem ang isang magkapatid sa Brgy. San Agustin ng bayang ito.

Kapwa dead on the spot sa insidente ang magkapatid na sina Nelson at Darwin Taguinod sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ilang minuto lamang ang nakakalipas ay sumunod namang pinagbabaril ang isa pang biktima na si Tomas Marzan naman sa Brgy. La Luna ng nasabi ring bayan na siya nitong dagliang ikinamatay.

Sinabi ni Manongdo na iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang posibilidad na may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo ng pamamaril sa mga biktima.

Patuloy din ang panga­ngalap ng ebidensya upang matukoy at masakote ang mga suspek na nasa likod ng krimen.

Magugunita na noong Hunyo 7 ay pitong kalalakihan din ang minasaker makaraang ratratin sa Bugallon, Pangasinan na pinaniniwalaan ding may kinalaman sa ilegal na transaksyon ng droga. Joy Cantos

 

vuukle comment

AYON

BRGY

DARWIN TAGUINOD

JOY CANTOS

LA LUNA

PANGASINAN

PANGASINAN POLICE SPOKESMAN CHIEF INSPECTOR RYAN MANONGDO

SAN AGUSTIN

TOMAS MARZAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with