Hapones, GRO nag-sex sa beach, tiklo
MANILA, Philippines - Bagsak sa kalaboso ang 31-anyos na Japanese designer matapos maaktuhang nakikipag-sex sa isang guest relation officer sa dalampasigan ng beach resort sa Barangay Bakhawan sa baÂyan ng Daanbantayan, Cebu kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang Hapones na si Keigo Netso, sikat na designer at tubong Shinagawaku, Tokyo, Japan.
Arestado rin ang ka-partner ng Hapones na si Arlene Diesto, 31, nagtratrabaho sa Mermaid Bar na matatagpuan sa Lapu-Lapu City, Cebu at nakatira sa Brgy. Pusok.
Ang dalawa ay inireklamo ng ilang residente kaugnay sa kalaswaang ginagawa ng dalawa na nagtatalik sa pampublikong lugar.
Agad namang rumesÂponde ang mga operatiba ng pulisya at naaktuhan ang dalawa na kapwa hubo’t hubad na nagse-sex sa beach.
Kasalukuyan nang humihimas ng rehas na bakal ang magka-partner sa himpilan ng pulisya habang inihahanda na ang kasong kriminal laban sa dalawa.
- Latest