^

Probinsiya

Groom-to-be lunod sa beach

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Wala sa oras ang salubong ni kamatayan laban sa 73-anyos na Canadian na sinasabing magpapakasal na sana sa nobyang Pinay matapos itong malunod sa pamosong beach resort sa bayan ng Ternate, Cavite kamakalawa ng umaga. Bandang alas-11 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Ian Birch na nakalutang sa bahagi ng Puerto Azul Beach Resort.  Ayon sa pulisya, si Birch ng 104 A A­venue Surrey, Canada ay nagbakasyon sa bansa kung saan naka-check-in sa Riviera Mansion Hotel sa Malate, Manila at nakatakdang ikasal sa nobyang si Jean Omison, 32, ng Parañaque City. Lumilitaw na nagpaalam ang biktima sa kanyang nobya na maliligo sa nasabing beach subalit hindi ito pinayagan dahil na rin sa malamig pa ang tubig-dagat pero nagpasya pa ring mag-swimming. Dito nasalubong ng biktima si kamatayan matapos itong atakihin sa puso habang naliligo sa nasabing beach resort.

vuukle comment

A A

AYON

BANDANG

CAVITE

DITO

IAN BIRCH

JEAN OMISON

PUERTO AZUL BEACH RESORT

RIVIERA MANSION HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with