Kuya pinugutan ng bunso
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinugutan ng 25-anyos na magsasaka ang nakatatandang utol na nag- amok matapos niyang pagtangkaang paslangin ang kanilang ama sa liblib na bahagi ng Barangay Casili, bayan ng Camalaniugan, Cagayan, ayon sa ulat ng pulisya. Kinilala ni SPO1 Kenneth Urian ang nasawi na si Rogelio Cardeñas Jr. na sinasabing may kapansanan sa pag-iisip habang naaresto naman ang suspek na si Reynaldo Cardeñas.
 Napag-alamang nag-amok ang biktima at pinagbabato ang kanilang bahay saka hinamon ng patayan ang ama na si Rogelio Cardeñas Sr.
 Sinugod ng biktima ang ama saka tinangka itong tagain subalit nakailag naman ang matanda.
 Dito na sinaklolohan ng suspek ang ama kung saan tinaga sa leeg ang kuya.

- Latest