Sanggol patay nang iluwal, nabuhay
KIDAPAWAN CITY, Philippines - Isang premature baby na ipinanganak noong Linggo ng umaga na naideklarang patay ng mga staff ng Cotabato Provincial Hospital sa Amas, Kidapawan City subalit biglang nabuhay makalipas ang apat na oras.
Sa pahayag ng kamag-anak na si Janet Rinsulat, ang sanggol na babae ay ipinanganak ng normal delivery bandang alas-7:30 ng umaga noong Linggo.
Napag-alamang sinikap ng mga staff ng ospital na ipanganak nang buhay ang sanggol pero bigo sila.
Matapos ang ilang oras, inilagay ang sanggol sa maliit na kahon at ibinigay sa kamag-anak para dalhin sa punerarya.
Habang naghihintay ng funeral car sa labas ng ospital ay nakarinig sila ng iyak ng sanggol na nagmumula sa kahon.
Agad naman nilang ibiÂnalik ang baby sa emergency room kung saan inilagay ng mga staff ng ospital ang sanggol sa incubation room o sa Neo-Natal Intensive Care Unit subalit makalipas ang anim na araw ay tulyang namatay ang sanggol.
Hanggang ngayon ay hinihintay ni Dr. Eva Rabaya, assistant chief of hospital, ang pagdating ni Dr. Estrella Clerigo na sinasabing nagpaanak sa ina ng sanggol na si Desiree Masiganday.
Tanging si Dr. Clerigo lamang ang makapagbibigay ng linaw kung bakit idineklara niyang patay gayung buhay pala ang sanggol.
Sa text messages, sinabi ni Rabaya na aakuin ng Cotabato Provincial Hospital ang lahat ng gastusin sa ospital ng pamilya Masiganday habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest