^

Probinsiya

4 pulis tugis sa kasong kidnapping

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Zambales, Philippines – Apat na pulis na isinasangkot sa kasong kidnap-for-ransom ang tinutugis ng kanilang kabaro matapos magpalabas ng warrant of arrest ang mababang korte.

Base sa inisyung arrest warrant ni Judge Roline Ginez-Jabalde ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74, pinaaresto ang mga akusadong sina PO1 Eleazar Jimenez, PO3 Alejandro Quinit, PO3 Arnold Chantengco at si PO1 Jayson Asuncion na  pawang nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa nasabing lungsod at ngayon ay nailipat sa Aurora Police Provincial Office.

Ang mga suspek ay kinasuhan ng mag-asawang Joseph Vargas at Jonalyn na inaresto sa kasong bawal na droga noong Sept. 2012 sa Barangay New Cabalan, Olongapo City.

Hindi naman kinasuhan ang mag-asawang Vargas bagkus ay hiningan ng P.2 milyon ransom kapalit ng kalayaan.

Walang piyansang inirekomenda ang hukuman sa apat na suspek.

ALEJANDRO QUINIT

ARNOLD CHANTENGCO

AURORA POLICE PROVINCIAL OFFICE

BARANGAY NEW CABALAN

ELEAZAR JIMENEZ

JAYSON ASUNCION

JOSEPH VARGAS

JUDGE ROLINE GINEZ-JABALDE

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with